Extended na tag-init paborable para sa ilang mga magsasaka sa Minalabac, Camarines Sur

NAGA CITY – Extended ang tag-init dahil ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA inaasahang mula Hulyo ang El Niño Phenomenon.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Mayor Chris Lizardo ng Minalabac, Camarines Sur, sinabing nakahanda sila sa posibleng pagtama o epekto ng El Niño.

Ang nararanasan aniyang init na ito ay paborable ito para sa ilang mga magsasaka sa bayan lalo na sa mga nahuli sa pagtatanim dulot ng halos walang humpay na pag-uulan noong unang kwarter ng 2023.  Sa ngayon sapat pa ang supply ng tubig sa mga sakahan, naging maayos din ang supply sa irrigation.

Umaasa aniyang makakabawi matapos na malubog sa baha ang mga palayan dulot ng Bagyong Amang.

Samantala sapat aniya ang tubig-inumin dahil may dalawang pumping stations.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *