Executive order para sa reactivation ng task force El Niño, inilabas na ng Malacañang

Naglabas na ang Palasyo ng Malacañang ng Executive Order para sa reactivation at reconstituting ng task force El Niño.

Sa ilalim ng EO no.53 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin, nakasaad na ang TF El Niño ay binubuo ng Secretary ng Department of National Defense bilang Chairperson, habang ang Department of Science and Technology (DOST) ay itinalagang Co-chairperson.

Mga miyembro naman ang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Agriculture (DA), Department of Health (DOH), at National Economic and Development Authority (NEDA).

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Kabilang sa function ng TF El Niño ang pag revise at update ng Strategic El Niño National Action plan na magsisilbing kumprehensibong disaster preparedness and rehabilitation plan para sa El Niño.

Pag monitor sa mga short at long term solution at programa na natukoy sa Strategic El Niño National Action plan, lalo na sa mga critical areas tulad ng seguridad sa tubig, pagkain, enerhiya, kalusugan at kaligtasan ng publiko.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Makipag ugnayan sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan para mapabilis ang completion ng lahat ng on going na water infrastructure project.

Ang pondo naman ay kukunin sa kasalukuyang pondo ng member agencies at ng available na pondong matutukoy ng DBM.