LEGAZPI CITY – Araw araw ngayon dinadagsa ng mga examinees ang pamunuan ng Professional Regulation Commission (PRC) Bicol dito sa Regional Cite Center Rawis Legazpi City upang makapagsumite ng mga requirements at maqualified ang mga ito.
Ayon kay Jerome Bañes, ang Chief Professional Regulation Officer ng nasabing tanggapan, tatlong kurso ang magsasagawa ng examinasyon para sa Chemical Engineering, CPA at Nursed ngayon buwan ng Mayo.
Bukas Mayo 17 hanggang 19 2022 magsasagawa ng examination para sa Chemical Engineering.
Aabot sa 35 examinees ang isasailalim sa examination. Nakatalaan din ang CPA sa araw ng Mayo 22 hanggang 24 kung saan nasa 238 ang mag exam.
Sa Mayo 29 hanggang 30 ng kasalukuyang taon ay nakatalaan rin ang examination para sa Nurses na aabot sa 345 na examinees.
Sinabi ng opisyal, limitado pa rin ang pagsasagawa ng examinasyon dahil sa mayroon pa rin banta sa bansa na covid 19 at sinusunod lamang nito ang guideline ng IATF protocols.
Tinatayang nasa 7 hanggang 12 katao lamang ang pinapayagan o capacity ng examination sa loob ng rooms o silid aralan.