Ex-Senator de Lima ginunita ang ika-2000 na araw sa loob ng kulungan

Ginunita ni dating senador Leila Delima ang kanyang ika-dalawang-libong araw sa loob ng kulungan.

Sa kanyang liham mula sa Camp Crame sinabi ni De Lima na kanyang pagkakakulong ay isang paalala sa buong mundo na ang justice sa bansa ay hindi gumagana.

Read More:  Teachers’ Group again calls for proper implementation of education programs

Dagdag pa ng dating mambabatas kinulong siya dahil sa pagkontra niya sa umano’y ‘populist tyrant’ kung kaya’t kinasuhan siya ng mga gawa-gawa kaso para siya ay patahimikin.

Binigyan diin din ni De Lima na buong buhay niya ay lumalaban na siya para sa katarungan para sa mga walang kakayahan na ipagtanggol ang sarili at patuloy niya itong gagawin para sa kanya na biktima umano ng injustice.

Read More:  Ombudsman suspends Senate Sgt.-at-Arms Aplasca

Saad pa nito na hihintayin niya ang araw na bumalik ang hustisya sa Pilipinas.