Ex Press Duterte, dinepensahan ang kanyang anak na si VP Duterte

Dinepensahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang anak na si Vice President Sara Duterte sa gitna ng plano ng Kamara na alisan ng Confidential Funds ang Office of the Vice President at Department of Education.

Ayon sa dating pangulo, ipinakita sa kanya ni VP Sarah ang plano para sa paggamit ng Intelligence Funds.

Sabi pa niya, na pinayuhan niya ang kanyang anak na gamitin ang pondo para sa PMT, at i-required ang ROTC.

Dagdag pa nito, na maging prangka na ang Bise Presidente at aminin na ang Intelligence fund ay gagamitin para ihanda ang utak ng mga Filipino sa insurgency o paghihimagsik.

Wala namang binigay na detalye pa ang nakakatandang Duterte kung paano gagamitin ang nasabing pondo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *