Ex-PNP chiefs Sinas at Albayalde – humarap sa Kamara re: EJK probe

Humarap sa pagdinig ng House Committee on Human Rights ang mga dating opisyal ng administrasyong Duterte kaugnay sa madugong war on drugs campaign at umano’y mga kaso ng extrajudicial killings o EJK.

Kabilang sa dumalo sina dating Executive Secretary Salvador Medialdea at mga dating hepe ng Philippine National Police na sina General Oscar Albayalde at Debold Sinas.

Kung matatandaan, ikinasa ang imbestigasyon sa Kamara kung saan inihayag ni Committee Chairperson at Manila 6th District Representative Bienvenido Abante Jr. na layon nitong malaman ang katotohanan at kumalap ng komprehensibong impormasyon ukol sa umano’y malawakang human rights violations na may kaugnayan sa drug war.

Pero hindi kasama sa pinadadalo sa mga pagdinig si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Naniniwala si Abante na mahalaga ang papel ng Kongreso sa pag-iimbestiga sa isyu dahil maaaring makalikha umano ng mga panukalang batas na tutugon sa pang-aabuso at ilegal na aktibidad kasama na ang human rights violations.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *