Pinatitiyak ni Pangulong Bongbong Marcos sa Department of Health na mababantayan rin ang kalusugan ng mga nasa evacuation center.
Sa situation briefing, inatasan ng Pangulo ang Department of Health na mag deploy ng mga doktor at magbigay ng medical assistance sa mga evacuation centers.
Ayon sa Pangulo, mahalaga na merong mobile clinics sa bawat evacuation centers o kahit meron man lang umikot na mga medical team para matingnan ang kalagayan ng mga evacuees.
Lalo na anya ang mga bata at senior citizens na nangangailangan ng kanilang maintenance na gamot.
Pinasisiguro rin ng Punong Ehekutibo na merong gamot para sa lagnat sa mga evacuation centers.