Kupirmado na ang pagpanaw ng dating Marikina Mayor, Kongresista, at dating chairperson ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na si Bayani Fernando sa edad na 77.

Ayon sa post ng kaniyang dating chief-of-staff na si Aaron Garcia, naga-ayos lang daw siya ng bubong nang nadulas ito at nahulog at idineklarang pumanaw 12:16 ng tanghali.
Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang MMDA sa pagpanaw ng dati nilang chairman.
Inilarawan nila si Fernando bilang isang ‘workaholic’ at ‘disciplinarian’ sa kanilang hanay.
Sa kasagsagan niya ng chairmanship sa MMDA mual 2002 hanggang 2009 – isa sa mga pinaka ‘di malilimutan niyang kampanya ay ang ‘Metro Gwapo’ kung saan ay pinaganda ang Metro Manila sa pamamagitan ng paglilinis dito at bagong bihis na pintura.