Ex. Justice Sec. Aguirre, maaaring maharap sa perjury case

Maaring maharap sa kasong perjury si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, matapos umano pilitin ang isang testigo laban kay dating Senador Leila De Lima.

Ayon kay dating Senate President Franklin Drilon pinilit ni Aguirre na magsagawa ng mga affidavit na nagsasangkot sa dating mambabatas sa kalakalan ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Si Aguirre ay itinalaga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang Justice secretary, na naging paksa ng mga batikos ni De Lima dahil sa kanyang madugong giyera laban sa iligal na droga.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Sa ilaim ng Revised Penal Code, sinabi ni Drilon na maaaring makulong ng 10-12 taon si Aguirre kapag napatunayang nagkasala.