Bahagi ng kalsada sa Lupi, Camarines Sur isinara dahil sa landslide

CAMARINES SUR- Gumuho ang bahagi ng lupa na siyang pundasyon ng kalsada sa Haguimit Lupi, Camarines Sur bandang alas 9:30 ng umaga nitong Martes dahil sa ulan na epekto ng Shearline.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay MDRRM Garry Cruz, sinabi nitong halos tuloy-tuloy kasi nag pag-uulan kahapon. Isinara ang bahagi ng kalsada dahil delikado sa mga daraang sasakyan patungo sa sentro ng bayan.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Samantala, hindi rin nadaaanan kahapon ang Poblacion- Barrera Jr. Spillway – Poblacion- San Pedro Spillway,  Polantuna- San Jose Spillway. Pinag iingat ng MDRRM ang publiko sa posibleng epekto ng binabantayang sama ng panahon.