Ex-Gov.Teves naghain ng waiver sa DOJ na nagpapahintulot na tingnan ang phone at mga bank accounts

Naghain ng waiver si dating Negros Oriental governor Pryde Henry Teves na nagpapahintulot sa Department of Justice na tingnan ang kanyang mga bank accounts, phone records, at email sa pagsisikap niyang malinis ang kanyang pangalan.

Personal na humarap si Teves sa Hall of Justice sa Dumaguete City kasama ang waiver, na aniya ay maaaring makatulong sa mga awtoridad sa kanilang isinasagawang imbestigasyon sa kanya at sa kanyang kapatid na si suspended Negros Oriental Third District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Nauna nang sinabi ng dating gobernador na wala siyang planong umalis ng bansa, sa kabila ng posibleng kasong illegal possession of firearms at explosives na isasampa laban sa kanya.

Read More:  Barzaga says he has no regrets after House expulsion

Hinimok din ni Teves ang kanyang kapatid na umuwi at harapin ang mga paratang na ibinato laban sa kanya.//CA