Ex ERC chair Salazar, nag-resign na

Kinumpirma ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Seretary Ivan John Uy na nagbitiw na sa puwesto si DICT undersecretary for policy and legal affairs Jose Vicente Salazar.

Sa pagharap ni Uy sa Commission on Appointments, sinabi niyang nag-resign na si Salazar na matatandaaang sinibak noon bilang chairperson ng Energy Regulatory Commission.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Inungkat kasi ni Surigao del Sur 2nd District Rep. Johnny Pimentel ang isyu ni Salazar at sinabing mahihirapan ang DICT na gawin ang mga programa nito kung mananatili ang sinibak na ERC chair sa DICT.

Matatandaaang 2017 nang i-dismiss ng Palasyo si Salazar matapos mahatulang guilty sa simple and grave misconduct in connection with corruption charges.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Nag-ugat ito sa imbestigasyon ng pagbawi sa sariling buhay ni dating ERC Director Francisco Jose Villa.

Si Villa ay tumutol sa appointment ni Salazar sa DICT at nagbunyag ng ‘di umano’y kurapsyon sa ERC.
#