Ex-con, hinabol at pinagbabaril ng nakasuntukan

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang isang lalaking ex-convict matapos pagbabarilin

Nangyari ang krimen alas-2:30 ng madaling araw nitong Biyernes, Agosto 02, 2024 sa Villagonzalo II, Sitio Daclan, Brgy. Tejero, Cebu City.

Kinilala ang biktima na si Ramie Jimm Villaruz o alyas Longlong.

Ayon sa kapulisan, meron na silang person of interest sa krimen at personal grudge ang inisyal na motibo.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Maliban rito, isa rin sa kanilang kinukumpirma ay ang umanoy love triangle kung saan nabanggit umano ang pagka-link ng kinakasama ng biktima sa suspek.

Napag-alaman na on and off ang biktima at ang kinakasama nito at sa katunayan naireklamo na ito ng babae ng VAWC ngunit batay sa kanilang natanggap, makalipas umano ang isang buwan ay nagkabalikan ang dalawa.

Dagdag pa na batay sa salaysay ng may-ari ng tindahan, na nagpapalit pa umano ng barya panghulog sa tubig ang biktima at maya mayay biglang may dumating na nakasagutan ng biktima.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Nagkasuntukan ang mga ito at tumakbo ang biktima ngunit hinabol at pinagbabaril ng suspek.

Dalawang tama ng bala sa tuhod, dalawa rin sa hita at isa sa kaliwang dibdib ang natamo ng biktima.

Narekober rin mula sa crime scene ang apat na empty shell at dalawang slug ng kalibre 45 na baril.

Patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng krimen at ang paghahanap sa suspek.