Binulabog ng naglalagablab na apoy ang mga residente ng Purok Kingfisher, Barangay 16, Bacolod City, Negros Occidental pasado alas 02:00 ng madaling araw ng Huwebes
Ayon sa BFP-Bacolod, umabot sa 3rd alarm ang sunog bago tuluyang naapula alas 03:34 ng madaling araw.
Nagsimula umano ang sunog dakong alas-2:42 ng madaling araw sa second floor ng bahay ni Florentino Sevilla na inuupahan ni Gerald Arroyo
Mabilis namang kumalat ang sunog sa kabahayan na karamihan ay gawa sa light materials.
Nag-overheat na ceiling fan ang pinaniniwalaang sanhi ng sunog na nag-iwan ng tinatayang P675,000 na pinsala.
Apektado ng sunog ang dalawamput pitong pamilya o siyam na put siyam na indibidwal.
Wala naman naitalang casualty ngunit may isang lalaking nagtamo ng mga paso sa katawan na agad binigyan ng medical attention.
Habang ang LGU at iba pang concerned agency ay agad na rumesponde para sa mga nasunugan