Ethics Panel: Teves—puwede pang umapela

Maaaring maghain ng motion for reconsideration o humingi ng relief mula sa Supreme Court ang na-expell na si Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. laban sa pagkakatanggal sa kanya sa Kamara.

Ito ang naging pahayag ni Nueva Ecija Rep. Rosanna Ria Vergara matapos tangungin kung pinal na ba ang naging desisyon ng House of Representatives na sibakin sa kanyang puwesto si Teves.

Sa kabila niyan, mariing sinabi ni Vergara na ang House na ang nagdeklara at bumuto hinggil sa kahahantungan ng natanggal na mambabatas.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Naniniwala rin umano ang Nueva Ecija Representative na susuportahan ng Korte Suprema ang alituntunin sa Mababang Kapulungan, lalo pa’t hindi naman nito maaaring diktahan ang Kamara.

Sa huli, ipinaliwanag ni Vergara na ang hindi pangingialam ng SC sa desisyon ng House ay hindi naman makapipigil sa kampo ni Teves na alamin kung nagkaroon nga ba ng due process ang hatol sa kanya.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Natanggap na ni Teves

Natanggap na ng kampo ni Teves ang committee report, at ang opisyal na papeles para sa kaniyang expulsion.

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco – na-receive na ito ng kaniyang staff kaninang 01:25 ng tanghali.

Bago ito, una nang sinabi ng kaniyang abugado na si Atty. Ferdinand Topacio na inihahanda na nila ang mga mekanismo para iapela ang naging desisyon ng Kamara.