Estudyante, nakuryente- patay!

Pinaglalamayan na ang isang 18 anyos na binata matapos mamatay nang makuryente sa Poblacion, Araceli.

Ayon sa Palawan provincial Police Office, naiulat ang insidente ganap na 5:50 nitong Huwebes, July 7, 2022.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Ang biktima ay si Jerome Cacatian, estudyante na residente ng Sitio Ongolan, Poblacion, Araceli, Palawan.

Sa imbestigasyon ng Araceli MPS, bago ang insidente ay nagba-basketbol ang biktima kasama ang mga kaibigan nang aksidenteng nadikitan ng binata ang bakal na poste ng basketball ring kung saan nakadikit ang wire.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Isinugod sa Rural Health Unit ang binata subalit hindi na ito umabot nang buhay, ayon pa sa PNP.