Estrada, nanawagan sa pagbuwag ng Kafala system kasunod ng pagpatay sa OFW sa Kuwait

Nanawagan si Sen. Jinggoy Estrada  sa gobyerno na igiit ang pagbuwag sa kontrobersyal na Kafala system para protektahan ang mga overseas Filipino workers mula sa Arab countries.

Ayon kay Estrada, ang Kafala system na isang sponsorship system na ginagamit ng Arab countries na nagmo-monitor at naghihigpit sa paggalaw ng mga migrant workers, ay isang set-up umano para sa pang-aalipin.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Ang panawagan ni Estrada ay matapos ang pagkamatay ni Jullebee Ranara, isang 35-anyos na kasambahay sa Kuwait na ginahasa, sinunog at natagpuan sa disyerto sa Kuwait.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Kasabay nito, nanawagan si Estrada sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) na paigtingin ang monitoring mechanism sa mga bansa maraming OFWs na naka-deploy at kung saan ang gobyerno ay nagtatala rin ng mga kaso ng pang-aabuso.//CA