Establishments at recreational facilities posibleng dahilan ng mabilis na COVID transmission- MDRRMO Daet

CAMARINES NORTE – Umaapela si G. Santiago Mella, Jr, IMT Planning Section Chief/Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer ng Lokal na Pamahalaan ng Daet na mahigpit na sundin ang polisiyang nasa ilalim ng MGCQ

Tulad na lamang anya ng ng hindi pagpapahintulot sa mga establishments at recreational facilities na magbukas sa publiko.

Duda ng naturang opisyal, ito marahil ay isa sa mga dahilan ng mabilis na COVID transmission sa mga kahalintulad na lugar, gaya ng resorts, beaches at iba pa.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Kaugnay nito, inirekomenda ni Provincial Tourism Officer Mariano Bong Palma na kung magkakaroon ng massive COVID case findings ang LGU Daet, magkaroon din ng calibration sa contact tracing.

Hindi lang aniya ito para sa mga business at recreational establishments and facilities kundi maging sa pinakamatataong lugar, tulad ng palengke na sinasabing super spreaders.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Tugon naman ni Mella, basta naipatutupad ang health protocols at may maayos na monitoring system, hindi maaaring ipasara ang mga palengke dahil essential goods ang ibinibigay at inihahatid nito sa publiko.