ERC pinarereply sa CASURECO II sa isang taon nang usapin sa refund

CAMARINES SUR- Ramdam ng maraming member consumers ng Camarines Sur II Electric Cooperative (CASURECO II) ang bigat sa bulsa ng pagtaas ng singil sa kuryente nitong mga nagdaang buwan tulad nitong Abril na nagtaas  Php 3.4895/kWh , nito namang Mayo nagtaas ng Php 2.1129/kWh kaya pumalo na sa P10.7583/kWh sa residential mula sa mahigit P5.00 lamang ang per kilowatt hour noong Marso.

Kaya naman nabuksan muli ang usapin ng refund na noong 2023 pa hiling at naobliga ang kooperatiba na magbaba ng power rate sa coverage area alinsunod sa April 17, 2023 Energy Regulatory Commission Order.  Tiniyak ng CASURECO II na susunod sila sa ERC ukol sa pagbaba ng power rate at refund sa umano’y sobrang singil mula 2015 pero ang refund ay daraan pa sa proseso. Wala sa kamay ng kooperatiba ang pang refund kundi sa kanilang power supplier na sisingilin ng kooperatiba.

2023 nang umabot sa mahigit P17.00 ang tarifa, sa privileged speech ni Councilor Vidal Castillo sa regular session ng Sanguniang Panlungsod ng Naga, dapat aniya sumagot na ang ERC sa queries o tanong ng CASURECO II sa kung papano ang pag refund, magkano ang irerefund at kung anong period magsisimula.

Sinabi rin sa Brigada News FM Naga ni CASURECO II Spokesperson Rinner Bucay, makakatulong ang resolusyon, magiging daan lamang aniya ang kooperatiba  sa refund ng generation company patungo sa consumer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *