NAGA CITY- Bumagsak ang malakas na ulan sa Naga at Camarines Sur kahapon, bago ito madalas paring nararanasan ang pag-ulan kahiit noong nag deklara ang PAGASA ng tag-init.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga sa meteorologist na si Mike Padua , sinabi nitong epekto pa ito ng La Niña phenomenon. Binabantayan din ngayon ng mga eksperto sa pag-uulat ng panahon ang posibilidad na magkaroon ng “Triple- Dip” La Niña , kung mangyayari ito mas pang mapapalawig ang tag-ulan. Nangyari na ito tinatayang 20-taon na ang nakararaan. Kadalasan aniya ang La Niña phenomenon ay dalawang taon lamang. Oktubre hanggang Pebrero ang peak ng La Niña subalit kapag ka “triple dip” maulan parin kahit Summer o tag-init.
Pagbibigay diin nito kung may La Niña, maliit ang tyansa na magkaroon ng mga super typhoons.
Samantala, pinaalalahan nito ang lahat ng mga nagtatrabaho sa labas , umuulan man mainit pa rin ang temperatura kaya uminum ng sapat na baso ng tubig.