Black Friday protest isinagawa sa Naga City; mga dumalo nakikiusap na huwag silang i-red tag

NAGA CITY- Nag tipon ang ilang mga kabataan sa Plaza Rizal ng Naga City upang muling ipagsigawan ang kanilang pagkadismaya sa naging sistema ng Halalan 2022 lalo na sa naging resulta nito.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Sasa Santa Rosa, Spokesperson at Secretary General ng Jovenes Anakbayan Bicol binigyang diin nito na kanilang kinukundena ang umano’y naging dayaan sa halalan.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Samantala batid nila na delikado ang kanilang ginagawa dahil sa Red tagging. Aniya ang  pangunahing dahilan lang naman ng red tagging ay patahimikin ang mga tumutuligsa sa pamahalaan.  Si Santa Rosa ay dati na ring nabiktima nito, nakulong subalit ibinasura ng korte ang kaniyang kaso, para sa kaniya hindi ito rason upang tumahimik. Sana aniya ay huwag silang pagbintangang miyembro ng rebeldeng grupo, mga ordinaryong mamamayang nagpapahayag ng saloobin at ito aniya ay bahagi ng karapatan.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Una nang sinabi ng PNP na naantabay sila sa mga kilos protesta ang tangging hiling lamang ay walang kaguluhan o masasaktan.