Epekto ng El Niño, pinaghahandaan na ng NIA

Pinaghahandaan na ng National Irrigation Administration (NIA) ang inaasahang epekto sa bansa ng El Niño phenomenon.

Ayon kay NIA Acting Administrator Engr. Eddie Guillen, isa na rito ang pagsisiguro na mabibigyan ng sapat na patubig ang mga magsasakang maapektuhan ng matinding init.

Read More:  Death toll rises to six in Zamboanga del Sur crash

Inaasahang mapapataas naman ng 20% ang gagawing patubig ng kanilang gagamiting sistema.

Maliban pa umano ito sa pagtitiyak na sapat ang injlaang tubig ng National Water Resources Board para sa irigasyon para maabot ang mga malalayong sakahan.

Read More:  Dump truck falls into sea while boarding ship in Cebu

Ang Ilocos Region umano ang kanilang nakikitang lubos na maapektuhan ng kakulangan ng tubig dahil sa El Niño habang hindi naman masyado ang Mindanao batay sa datos ng Pagasa.