EO para sa taas-sahod ng mga government employee, inilabas na ng Malacañang

Asahan na ng mga government employees na matatanggap na nila ang kanilang taas-sahod ngayong buwan.

Kasunod ito ng inilabas na Executive Order ni Pangulong Bongbong Marcos para sa taas-sahod ng mga empleyado ng gobyerno.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Magkakabisa ang taas sahod 15 araw pagkatapos na mailathala ito sa Official Gazette.

Epektibo ang first tranche ng taas-sahod noon pang January 1, 2024 kaya asahan na may matatanggap din na retroactive pay ang mga government employee.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Ipatutupad naman ang 2nd tranche ng taas sahod sa January 1, 2025.