Tinawag na malamya ni Senate Committee on Tourism, Senador Nancy Binay ang naging aksyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa naging viral na pagtatayo ng resort sa protected areas ng Chocolate Hills.
Ito ay matapos aminin ng Sagbayan Local Government Unit na nitong Miyerkules lang naglabas ng abiso ang DENR sa mga resorts na magsagawa ng voluntary temporary closure.
Ayon kay Binay, kung ‘voluntary closure’ ang naging abiso sa mga ito ay ibig sabihin ay ‘optional’ lang ito.
Samantala, nilinaw naman din niyang hindi katanggap-tanggap ang naging environmental degradation dito kahit saan man tignan sa batas.
Kaugnay nito, hindi umano pupwedeng walang maging accountable rito.
Maalala, naghain na nitong nakaraang araw si Binay ng resolusyon na naglalayong imbestigahan ang nangyaring pagtatayo ng viral resort sa Chocolate Hills.