Environmental at economic sustainability, palalakasin ng Albay LEDIPO

LEGAZPI CITY – Planong palakasin ng Albay Local Economic Development and Investment Promotion Office (LEDIPO) ang environmental at economic sustainability sa pamamagitan ng promosyon ng mga produktong gawa sa mga recycled item sa lalawigan.

Ito ang tinalakay sa 4th Quarter Provincial Solid Waste Management Board Meeting kasama ang Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) at mga miyembro ng iba’t ibang MENRO at CENRO sa buong lalawigan.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Naghayag naman ng ilang mga hakbang si LEDIPO officer Jaymee Florence Ribaya kung paano i-promote ang mga recycled na produkto sa Albay sa pamamagitan ng programang “Trash to Cash” na planong ipatupad ng PGA sa lalong madaling panahon.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Bukod dito, ibinahagi rin ni Ribaya na ang kanyang tanggapan ay nakikipag-ugnayan sa Provincial Tourism, Culture, and Arts Office (PTCAO) upang makakuha ng kumpletong listahan ng mga vlogger na makakatulong din sa pag-promote ng mga recycled na produkto na lilikha naman ng daan para sa turismo at kabuhayan ng ekonomiya sa Albay.