BICOL—Umabot na sa kabuuang 429,720 ang mga nakapagpa enroll sa Bicol region hanggang kahapon, Agosto 24.
Base sa quick count ng Department of Education (DepEd) sa rehiyon, 424,727 nito ay mula sa mga public school habang 4,993 naman sa mga pribadong paaralan.
Ang Camarines Sur Division ang may pinakamaraming enrollees na umabot sa 113,814. Sumunod ang Albay na may 62,288 maliban pa sa tatlong City Division Offices nito; Masbate na may 54,874 maliban pa sa Masbate City Division; Sorsogon na may 52,372 maliban pa sa Sorsogon City Division; Camarines Norte na may 46,686 at Catanduanes na may 26,473 enrollees.
Pinakamarami naman ang mga nakapagpa enroll sa elementarya na nasa 145,510. Sumunod ang junior high school na may 114,440; senior high school na may 91,354; at kindergarten na may 78,174 habang mayroon namang mga nakalista sa non-graded na nasa 242.
Mababatid na nagsimula ang enrollment nitong Agosto 16 at tatagal hanggang sa unang araw ng pasukan sa Setyembre 13.### || slm
