LEGAZPI CITY – Bilang pakikiiisa ng Environment and Natural Resources Office (ENRO) Albay sa Environment Month Celebration, sila ay nagtanim ng 200 na mga punla ng iba’t ibang species sa Albay Provincial Campsite and Evacuation Center, sa Barangay Basag, Ligao City.
Nakiisa rin ang ilang mga tauhan mula sa mga departamento ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay at mga tauhan mula sa mga quarry concessionaires na kasamang nagtanim ng 200 seedlings ng tree species tulad ng Amugis, Kamagong at Molave Tree sa nasabing lugar.
Ayon naman kay ENRO Albay Chief Ma. Teresa F. Atos, ito ay upang suportahan ang bansa sa pagdiriwang ng buwan ng kapaligiran at makibahagi sa panawagan nito na labanan ang climate change.
Hinikayat din ni Atos ang mga kalahok na magsagawa ng regular na pagbisita sa site upang matiyak na maayos ang paglaki ng kanilang mga puno.
Tiniyak din ni Atos na bus ang kanilang tanggapan para sa higit pang pakikipagtulungan sa iba’t ibang organisasyon sa pagsasagawa ng mga aktibidad sa kapaligiran at mabawasan ang problema ng polusyon at pagbabago ng klima.//