Empleyadong nagresign sa trabaho, hindi makakatanggap ng separation pay

Ipinaliwanag ng DOLE RO2 – Technical Support Services Division na hindi separation pay kundi final pay lamang ang matatanggap ng mga manggagawang nag-resign na sa trabaho.

Ito ang inihayag ni Technical Support Services Division Chief Laura Diciano sa naging panayam ng Brigada News Team.

Aniya, final pay ang dapat na matanggap ng mga empleyado sa oras na nag-resign ang mga ito sa kanilang trabaho kung saan equivalent ito ng kanilang 13th month pay service incentive leave na hindi nagamit.

Read More:  5 NPA rebels killed in Negros Occidental clash

Dagdag a nito, may mga establishimento na mayroong collective bargaining agreement kung saan nakasaad dito ang matatanggap ng empleyado depende sa taon na itinagal nito sa kompanya ngunit hindi naman aniya ito mandatory.

Read More:  Young motorists continue illegal street racing in General Santos City

Bukod dito, ang back pay naman aniya na tinatawag ay mga benepisyo at sahod na hindi natanggap ng mga manggagawa.

Samantala, upang maiwasan na hindi magbigay ang employer ng final pay ng kanilang mga manggagawa ay tinutugan ito ng DOLE sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mismong may-ari ng kompanya o Manager ng establishimento.