Empleyadong nagresign na sa trabaho, makatatanggap pa rin ng 13th month pay

Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol na maaari pa rin na makatanggap ng kanilang 13th month pay ang sinumang empleyado na nagresign na sa kanilang trabaho.

Paliwanag ng DOLE, mandato kasi ng batas sa ilalim ng Labor Code na maaari pa ring makakuha ng naturang benepisyo ang isang empleyado na isang taon palang na nagpagresign kung saan ang halaga nito ay ibabase sa buwan ng kanyang ipinasok sa sa kanyang trabaho.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Kaugnay nito, hinikayat ng opisyal ang lahat ng mga nagresign na sa kanilang pinagtatrabahuang kompanya na makipag-ugnayan sa kanilang kumpanya upang makuha ang kanilang 13th month pay.

Sakali naman aniya na tumanggi na magbigay ng kanilang kaukulang rason ang kumpanya ay maaaring tumungo na lamang sa tanggapan ng DOLE sa kanilang Provincial Field Office o sa pamamagitan ng online upang mismong ang DOLE na umano ang magbibigay ng advice kung paano nila makukuha ang kanilang 13th month pay within 30 days upon resignation ay dapat matanggap pa rin ang final pay depende sa clearance o mga pagkukulang pa ng empleyado sa kumpanya.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon