Empleyado ng PSWDO na inireklamo, ililipat sa malayong lugar

KORONADAL CITY- DIDISIPLINAHIN ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr ang isang empleyado na nakatalaga sa Window 1 ng Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO na inireklamo ng isang kliyente.

Ayon kay Governor Tamayo na nagpakilala ang reklamante na Presidente ng Reinforce Services Task Force, isang organisayon o volunteer group na binuo nito upang tumulong sa paghahatid ng serbisyo ng gobyerno sa komunidad.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Ngunit, sinagot umano ito ng empleyado na “Wala RST, RST president diri!”.

Inihayag ni Tamayo na sana’y tumahimik na lang ang empleyado o di kaya ay mahinahon na kinausap at maayos na sinagot ang kliyente.

Ayon sa gobernador na ililipat nito sa malayong lugar ang empleyado upang hindi na pamarisan ng iba.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Aniya, posible itong ilagay sa Barangay Ned, Lake Sebu.

Binigyang diin ng opisyal na ang mga tao ang nagpapasweldo sa mga empleyado ng gobyerno kung kayat dapat ang mga itong tratuhin ng mabuti.