Empleyado ng NAIA – nahuling ine-escort umano ang 3 Pinoy human trafficking victims

Pinaiimbestigahan na para sa posibleng pagsasampa ng kaso ang isang empleyado ng NAIA na umakto umanong escort ng tatlong Pinoy na biktima ng human trafficking.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, nai-report na sa Inter-Agency Council Against Trafficking ang pangyayari para masamapahan ng kaukulang reklamo ang recuiter ng mga biktima.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Hindi naman pinangalanan ang empleyado ng paliparan na nakitang nage-escort sa tatlong bitkima ng human trafficking.

Nuana rito, naharang ng mga immigartion personnel sa NAIA Terminal 3 ang tatlong babae na nagpanggap na magkakaibigan na magbabakasyon mula General Santos City noong December 22.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Gayunman, napag-alaman na hindi sila magkakakilala at na-recruit lamang sa pamamagitan ng facebook para magtrabaho bilang kasamabahay sa Dubai.