Emergency plant shutdown, binigyang linaw ng SUKELCO

SULTAN KUDARAT – BINIGYANG linaw ng Sultan Kudarat Electric Cooperative o SUKELCO ang naturang dalawang oras emergency plant shutdown sa buong bayan ng Lebak at Kalamansig nito lamang umaga.

Ayon sa panayam ng BNFM-Lebak kay Engr. Efren Marquez, Area 3 Engineer, aniya nitong gabi  ng Hunyo 20, 2024 bandang Alas-Dyes, nakita ng kanyang mga tauhan na nagbabaga ang conductor o merong heat conductor na nangyayari sa lugar. 

Read More:  Brigadahan delivers 3,219 relief packs to isolated villages in Davao Occidental

Ang sanhi ng nasabing problema dahil sa may kalumaan na rin ang naturang conductor.

Agarang pinagbigay alam ni Marquez kay Engr. Remil Fuyonan Area3 Department Manager ang naturang problema. 

Napagdesisyonan ng dalawa na kinabukasan nalang ito aayusin at para mabigyan rin ng babala ang mga MCO’S sa bayan ng Lebak at Kalamansig.

Read More:  685 voluntarily surrendered weapons destroyed in Maguindanao Del Norte

Dagdag pa nito, siya ay nananawagan na maging maagap sana ang mga MCO’S para maka-iwas sa mga serye power interruption at ibang problema sa pamamagitan ng paglinis, pagputol ng mga sanga at iba pang paraan.

Samantala, tuloy-tuloy parin ang Sitio Electrification ng SUKELCO sa mga liblib na lugar ng Lebak at Kalamansig at maidala ang kuryente sa buong bayan.