Emergency Operations Center ng lokal na pamahalaan ng Daet, alerto kasabay ng isinagawang Bantayog Festival Street Dancing And Float Parade kahapon

CAMARINES NORTE- Alerto ang Emergency Operations Center ng lokal na pamahalaan ng Daet kasabay ng isinagawang Bantayog Festival Street Dancing And Float Parade kahapon

Isinagawa kasi ang nasabing parada pasado ala una ng hapon sa kasagsagan ng napaka-init na panahon

Read More:  ₱799M illegal cigarette operation uncovered in Negros Occidental; 10 Chinese arrested

Nakahanda umano sila upang masigurado ang kapakanan at kaligtasan ng mga kabataang sumali at nakilahok sa nasabing parada

May mga karagdagang resources din ang Emergency Operations Center na mula sa LGU Daet MHO Community Health Emergency Service at LGU Daet MDRRM action emergency team na namamamahala sa mga pinlano na pangyayari, at magsisilbi bilang EMS at first aid team.

Read More:  Cebu town probes alleged dog meat trade after viral video

May mga EMS standby medic din umano ang MDRRMO na naka-deploy sa bawat intersection sa bayan ng Daet