Matatanggap na ng mga healthcare workers sa 2025 ang lahat ng nakabinbing health emergency allowance (HEA) na pinagtrabahuan nila sa panahon ng pandemya ng COVID-19.
Ipingako ito ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman sa isang pagdinig sa Senado na pinangunahan ng Committee on Health and Demography.
Ayon sa opisyal, P73.261 bilyon ang ibinigay sa DOH para sa HEA mula 2021 hanggang 2023.
Kailangan pa rin ng gobyerno ng P27.7 bilyon para pondohan ang hindi pa nababayarang HEA, na P2.3 bilyon ay magmumula sa unprogrammed appropriation.