Elisse Joson at McCoy de Leon, “happy” ang kasalukuyang relationship status

Ilang buwan matapos ang kanilang kontrobersyal na paghihiwalay, kinumpirma ni Elisse Joson na masaya ang relasyon nila ng kaisntahang si McCoy de Leon.

Ginawa ni Joson ang pahayag sa isang ambush interview nang tanungin siya kung nakipagkasundo na ba siya kay McCoy.

Pinapakita naman raw ni de Leon ang sweetness at pagiging present sa kanilang anak.

Naitanong din kay Joson kung ang controversial break-up nila noong January 2023 ang nagpatibay sa kanilang relasyon na sinagot niya naman ng, “Yes, I think so. Sa totoo lang.”//CA