Election forms para sa 2023 BSKE, tapos na sa ilang mga rehiyon – COMELEC

Kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) na tapos na ang pamamahagi ng election forms sa ilang mga rehiyon para sa darating na Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Kabilang sa nasabing rehiyon ay Cordillera Administrative Region o CAR, Region 1, Region 2, Region 3 at pati na rin ang Region 5.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, hinihintay na lamang nito ang kumpirmasyon ng Regions 9, 10, 12 at maging sa BARMM kung natapos na ba ang delivery.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Bukod dito, ide-deliver naman ngayong araw ang mga election documents sa Region 4-A.

Samantala, naka-schedule naman ang delivery ng nasabing dokumento sa NCR bukas hanggang October 20.