Eksperto nagbabala ng ‘economic casualty’ sa pagpasok ng Omicron variant sa Pilipinas

Pinaghahanda ng ilang economic experts ang bansa sa posibleng pagpasok ng mas nakakahawang Omicron variant sa Pilipinas.

Ayon kay Pamantasan ng Lungsod ng Maynila President at kilalang ekonomista na si Emmanuel Leyco batid naman ng gobyerno na tiyak na makakapasok ang bagong COVID-19 variant at ang hindi nalang malinaw dito ay kung kailan.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Paliwanag ni Leyco kapag tuluyang makapasok ang Omicron siguradong ang ekonomiya na naman ang labis na maaapektuhan.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Posible din umanong madiskaril ng Omicron ang economic recovery ng bansa na ngayon ay unti-unti nang lumalapit sa pre-pandemic level.

Kaya naman pinapayuhan ni Leyco ang gobyerno na ituloy ang vaccination drive at tiyakin agad na makokontrol ang pagpasok ng sakit.