NAGA CITY- Ikinatuwa ng mga taga Camarines Sur ang educational assistance ng Department of Social Welfare and Development Office, pero inulan ng tanong.
Simula Agosto 20, 2022 at sa mga susunod na Sabado sinabi ni Sec. Erwin Tulfo magbibigay ng ayuda sa mga mag-aral ito ay bahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program.
Sinabi ni Tulfo na magsadya sa mga regional, provincial at satellite office ng DSWD.
Base sa mga komento sa ulat, marami ang interesado, nakuha ng Brigada News FM Naga ang ilang katanungan kasama na ang kung puwede ang mga member ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, kung Overseas Filipino Worker ang magulang at marami pang iba.
Isa sa mga kwalipikasyon ay walang trabaho ang mga magulang, tanong ni “Emily” ng Dayangdang, Naga City pasok kaya ang kapatid niyang nasa elementarya kung housewife ang ina at electrician na on call ang ama?
Sa inilatag na kwalipiaksyon ni Sec. Tulfo dapat ay breadwinner, working student, ulila/inabandona na nakikitira sa kaanak, anak ng solo parent, walang trabaho ang mga magulang, anak ng ofws, anak ng biktima ng HIV, biktima ng pang-aabuso at biktima ng kalamidad o sakuna.
P1,000 para sa nasa Elementarya, P2,000 sa Sekondarya, P3,000 sa Senior high school at P4,000 – Vocational/ Collage.