Umaapela ngayon sa publiko si Pastora Darlyn Galve na huwag silang pagdudahan bunsod ng pagbibigay ng statement ng kanyang asawa sa pulisya tungkol sa nawawalang si Ms. Jovelyn Galleno.
Ayon sa kanya, nakasisigurado aniya ang kanyang mister sa mga nakita nito noong August 16, 2022 sa Barangay Sta. Cruz, Puerto Princesa City.
Base sa isinalaysay ng asawa nito sa pulisya ay may isang “Toyota Chocolate Brown” kung saan nakatitiyak umano ito na si Jovelyn ang kanyang nakita habang nasa front seat at tila nakatulala.
Sinikap umano nitong masundan agad ang tinutukoy na sasakyan subalit nabigo siya dahil sa mabilis na takbo nito at maraming dala noong mga oras na iyon ang sinasakyan ng kanyang mister nang ito ay kanyang makasalubong.
Ang pahayag na ito ni Pastora ay kasunod aniya ng napabalitang may nagpakalat ng salaysay ng kanyang mister tungkol sa insidente, kaya minabuti niyang linawin na lamang ito ngayong sa publiko.
Dagdag pa niya, ang pulisya at sila lamang sana ang nakaka-alam nito habang patuloy pa ang imbestigasyon.
Ang insidente ay agad nilang ipinagbigay-alam sa pulisya para maimbestigahan ngunit kinailangan pa na gawin ang affidavit.
Iginiit pa ni Pastora na hindi sila gumagawa gawa ng kwento para lamang ipahiya ang kanilang mga sarili bandang dulo.