Economic team – ‘di nakonsulta sa price cap

Inamin ni Finance Secretary Benjamin Diokno na hindi kinonsulta ang economic team ng administrasyon sa pagpapatupad ng price ceiling sa mga bigas.

Iginiit kasi nitong nasa Japan raw silang mga economic managers nang ipahayag sa publiko ang pagpapalabas ng Executive Order No. 39., na silang ring mga kalihim ng Finance and Budget departments, gayundin ang National Economic and Development Authority (NEDA).

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Sa kabila nito, ipinagtanggol ng kalihim ang desisyon ng pangulo.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Alam raw ni Marcos na hindi uubra sa ideyal na sitwasyon ang price cap, ngunit kinakailangan pa rin ito gawin dahil sa talamak na hoarding at manipulasyon ng presyo ng mga negosyante.