CAMARINES NORTE – Iminungkahi ni Provincial Tourism Officer Mariano bong Palma ang early booking sa mga river resorts para sa monitoring ng mga nais na dumayo sa mga tourist spots sa lalawigan partikular na sa Calaguas Island
Layon rin umano nito na kalaunan ay maprofessionalize ang tourism industry sa lalawigan ng Camarines Norte
Una ng hiniling ng naturang opisyal sa Provincial Monitoring Team ang pagtukoy sa mga tourism establishments, hotels and resorts pati na ang kanilang accommodation capacity
Habang tiniyak naman ni Provincial tourism Office ang pagkakaroon ng lingguhang assessments sa mga tourism related establishments
Ayon pa kay Palma, nararapat pa rin ang monitoring sa long-stretch beaches lalo na sa bagsbas pagsapit ng gabi
Samantala, inilahad din nito na properly monitored ang mga dumarayo sa Calaguas Island dahil sa early booking na kanilang ipinatutupad
Sa kasalakuyan nasa 70 local tourist na dumayo sa Calaguas Island ang naitala sa Centennial Wharf
(Photo courtesy of: CN Provincial Tourism office)

