E-Gov App, safe kontra scammers -DICT Camarines Sur

CAMARINES SUR – Ligtas kontra scammers ang newly develop at ilulunsad na Electronic Government (EGov) App kung saan matatagpuan ang lahat ng impormasyon at serbisyong kinakailangan ng mga ordinaryong mamamayan.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Pinky Nepomuceno, Provincial Director ng Department of Information and Communication Technology Camarines Sur, napag-alaman na nakapaloob sa EGov App ang mga serbisyong tulad ng pagkuha ng business permits, access sa PhilHealth portal at national id at iba pa. Pagdating sa seguridad, sinabi nitong maraming pagpipilian na security stages ang mga users kaya nakakasiguro sila na hindi basta basta mapapasok ng scammers ang naturang aplikasyon.

Read More:  Man found handcuffed, tied inside septic tank in Davao City
Read More:  1 dead after Cebu hot pursuit turns into gunfight; Police officer hit

Ang EGov App isa sa mga hiniling na proyekto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang makasabay ang mga Pilipino sa pagunlad ng digital world.  Gaganapin sa Naga City sa Hulyo 5 at 8 2024 ang pormal na pagpapakilala sa publiko ng EGov app at maaari na rin itong madownload ngayon sa play store at apple store.