Dwight Ramos – team captain ng Asia All-Stars team sa Japan B. League

Hinirang bilang team captain si Dwight Ramos ng Asia All-Stars team sa Japan Basketball League All-Star Weekend sa Okinawa.

Gaganapin ang B.League All-Star Weekend sa Enero 12-14.

Read More:  Eala, Krawczyk withdraw from Tokyo Open doubles

Pangungunahan ni Ramos ang kanyang kapwa Filipino imports, kasama ang pito pang Asian imports, at makakalaban nila sa mga young stars ng Japanese league.

Read More:  Aurora Gaming PH wins MPL Philippines Season 18 title

Makakasama sa team ng Levanga Hokkaido guard sina RJ Abarrientos, magkapatid na Thirdy at Kiefer Ravena, Ray Parks, Jr., Matthew Wright, Kai Sotto, Carl Tamayo, Roosevelt Adams, at Greg Slaughter.