Duterte sa Kongreso: Libreng legal assistance, unified pension para sa MUPs

Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na magpasa ng unified system ng retirement at pension para sa military and uniformed personnel (MUP), at mabigyan sila ng librang legal assistance sa mga kasong posibleng kahaharapin habang ginagawa ang kanilang trabaho.

Sa kanyang final State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Duterte na ang unified system para sa separation, retirement, at pension ng MUP ay makakatulong na mapanatili ang flexibility ng gobyerno at magbibigay sa kanila ng benepisyo.

Read More:  CIDG summons Sen. Bato over alleged EJK cases

Nilinaw naman ng pangulo na ito ay ipapatupad lang para sa mga bagong entrants sa militar.

Read More:  Lawyers of EJK Victims hope change in Duterte’s legal team will not delay ICC proceedings

Binigyang diin ng pangulo na may bahagi ng budget na inilaan para sa retirement benefits, pero ang pondo ay hindi available para sa lahat ng MUPs.

Samantala, nanawagan rin si Duterte sa Kongreso na magbigay ng libreng legal assistance sa parehong militar at police force, na inatasan nito sa kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga.// MHEL PACIA-TRINIDAD