Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ahensya ng gobyerno at instrumentalities na manatiling fully operational, subject sa required on-site workforce sa ilalim ng Alert Level System guidelines bilang tugon sa coronavirus pandemic.
Ang Memorandum Circular No. 93 ni Duterte ay layuning mabalanse ang health at delivery ng public services.
Sa ilalim ng memorandum, kailangang magpatupad ang mga government agencies at instrumentalities ng skeleton workforce on-site, sa ilalim ng Alert Level 5.
Sa ibang mga empleyado ay kailangan isailalim naman sa alternative work arrangements, maliban nalang kung kinakailangan ang mas malaking on-site capacity sa mga ahensya na nagbibigay ng health at emergency frontline services, laboratory at testing services, border control, o iba pang critical services, na alinsunod sa mahahalagang panuntunan at regulasyon ng Civil Service Commission.

Samantala, sa ilalim ng Alert Levels 4, 3, at 2, ang mga on-site workforce ay kailangan lang 40 percent, 60 percent, at 80 percent. //MHEL PACIA-TRINIDAD