100 vials ng Pfizer, nag-expire matapos maantala ang vax drive dahil sa Bagyong Odette

Ibinunyag ng Department of Health na nag-expire ang 100 vials ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine sa Region 6 matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette.

Sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na nag-expire ang mga vials dahil tumatagal lamang ito ng 30 araw sa ilalim ng mga temperatura na 2-8 degrees celsius.

Read More:  NBI says it has information on Sen. Bato dela Rosa’s location

Ipinunto niya na hindi na-administer kaagad ang mga bakuna dahil sa kakulangan sa vaccinatiors at dahil na rin sa pagkakaantala ng vaccination drive dahil sa Bagyong Odette.

Tiniyak naman ni Cabotaje na ito pa lang ang naitatala nilang wastage ngunit mayroon pang ginagawang assessment sa mga pinsala sa iba pang lugar na nagkaroon ng power outages.

Read More:  More than 1,100 PNP personnel face penalties amid internal cleansing drive

Mababatid na target ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging fully vaccinated ang tinatayang nasa 77-milyong Pilipino pagsapit ng March 2022 at 90-milyon naman kasabay ng pagtapos ng termino ng Punong Ehekutibo sa June 30, 2022.