Duterte nais mapatay ang 3 hangang 5 drug lords bago bumaba sa pwesto

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte, na may isa pang siyang natitirang target sa kanyang war on drugs campaign, sa mahigit isang buwan nalang natitira sa pwesto.

Ito umano ay patayin ang mga drug lords.

Una nang nagbigay ang pangulo ng marching orders sa mga pulis na patayin ang mga drug lords at hinamon pa ang mga kriminal na makipagbarilan sa mga otoridad.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Pagtaya ng pangulo, posibleng nasa tatlo o lima pang drug lords ang kanilang matatapos.

Inihayag rin nito na sa oras na bumaba na siya sa pwesto sa June 30, sinabi ni Duterte na handa siyang mag-alok ng legal na tulong sa mga police personnel na mahaharap sa kaso, dahil sa anti-drug operations.

Read More:  Minority bloc calls for Cayetano’s resignation

Batay sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na simula nang maupo sa pwesto si Duterte, nasa 6,241 indibdwal na ang napapatay sa anti-illegal drug operations .