Duterte kay Gordon: ‘kung mag-usap tayo, pwedeng ikaw ang mag-vice president’

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na ginagamit ni Senator Richard Gordon ang hearing ng Senate Blue Ribbon Committee para sa mga ambisyon nito sa politika.

Ayon sa Pangulo, nagpapalakas lamang si Gordon sa opsisyon dahil may balak itong tumakbo sa pagka-pangalawang pangulo sa 2022 Elections.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Sinabi rin ng Punong Ehekutibo na pwede siyang kausapin ni Gordon bilang nauna na siyang nag-anunsyo ng kaniyang intensyon na tumakbo sa 2022.

Iginit ng Pangulo na titingnan niya kung karapat-dapat ba ang senador na maging isang bise presidente oras na sila ay mag-usap.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Una nang inakusahan ng Pangulo si Gordon, na nangunguna ngayon sa imbestigasyon ng Senado kaugnay sa overpriced COVID-19 equipment na binili ng gobyerno, nang panggagatas sa Philippine Red Cross para sa mga ambisyon nito sa politika.