Duterte, ipatatawag ng Senado

Inanunsyo ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na sa darating na Lunes na nila ikakasa ang pagdinig hinggil sa ‘war on drugs’.

Ito ay kasunod ng naging kumpirmasyon ni Senate Blue Ribbon Committee, Chairperson, Senadora Pia Cayetano na nai-refer na niya kay Pimentel ang pangunguna rito.

Read More:  Chinese Communist Party possibly behind fake letter using DND chief’s name — AFP

Nang matanong naman si Pimentel hinggil sa mga resource speakers na kanyang papadaluhin, sinabi niyang papadalhan na rin niya ng imbitasyon si dating pangulong Rodrigo Duterte lalo na’t nagpakita naman umano ito ng kahandaan sa pagharap sa imbestigasyon.

Read More:  Padilla attends DOJ probe over obstruction complaint

Pero anya, hindi niya kontrolado ang desisyon ng dating pangulo kung dadalo ito o hindi.

Sa hiwalay na pahayag, kinumpirma ni dating PNP chief Senator Bato dela Rosa na dadalo siya, maging si dating pangulong Duterte sa pagdinig ng Senado sa Lunes, kahit sinuman ang manguna rito.