Dumi ng tao, ini-recycle ng mag-asawa para maging gas, na puwede rin ipangluto?

Sa uri ng pamumuhay na pinili ng mag-asawang John at Fin na malayo sa kabihasnan, naniniwala sila na ang pagiging malikhain at pagkonekta sa kalikasan para mabuhay nang matipid at payapa ay isang abilidad.

Gamit lamang ang isang aparato na nabili ng mag-asawa sa halagang $1,500 o PHP78,000.00 ini-ri-recycle nito ang sarili nilang dumi para maging gas at magamit nila para sa pagluluto ng kanilang mga pagkain. Ito ay tinatawag na ‘HomeBiogas Digester’.

Ang biogas ay isang renewable energy o gas sourse gawa mula sa organic matters gaya ng ‘tae’ o dumi ng tao. Sabi ni John, “We save natural resources by creating the methane biogas that we use for cooking.”

Ayon sa kanya, ang paggamit ng kanilang dumi, recycled para maging gas ay nakakabuti sa kalikasan. ### JEREMY LESNIANA